Ayon sa isang dating guro at malapit na kaibigan, isang araw ang magkasabay na inaasam at pinapangambahan ng isang ama, ang araw kung kailan ka malampasan ng iyong anak. Inaasam ng ama ang araw na ito dahil pangarap ng lahat ng mabuting ama na mas malayo ang marating at mas malaki ang maging tagumpay ng kanyang anak. Nakakapangamba rin ang araw na ito dahil baka mawala na ng paghanga at ang paggalang ng anak sa kanyang ama. Isang pag-asa lang ng isang ama ay ang pagpapalaki niya sa ang kanyang anak na may tamang asal. Isa sa mga ito ay ang pagturing sa katauhan ng isang tao ang pinanggalingan ng paghanga at paggalang, hindi ang yaman o antas sa buhay.
Ang kaibigan ko ay nakatapos ng kolehiyo at doktoria sa pagtuturo, at naging isang mataas na opisyal sa isang pamantasan sa estado ng California habang ang ama niya ay hindi nakatapos ng pag-aaral at binuhay at pinalaki ang kanilang pamilya sa pamimitas ng prutas at gulay sa mga taniman. Hanggang ngayon, hindi maitatago ang paghanga at pagpaparangal ng aking kaibigan sa alaala ng kanyang ama tuwing gumagawi dito ang usapan. Wala akong duda na ganoon din ang paghanga at pagpaparangal na nararandaman ng kanyang mga anak para sa kanya.
Maari ring ituring ang relasyon ng isang guro at mag-aaral ay parang relasyon ng ama sa kanyang anak. Kung maayos ang pagtuturo ng isang guro sa kanyang mag-aaral, malaman na mas malayo ang mararating at mas malaki ang magiging tagumpay ng kanyang mga mag-aaral. At kahit na mas malayo ang marating at mas malaki ang maging tagumpay ng isang mag-aaral, mananatili ang paghanga at paggalang niya sa kanyang guro. Mawawala lamang ang paghanga at paggalang na ito kung may malaking kakulangan sa pagkatao ang guro na matutuntunan ang mag-aaral.
Naalala ko ang aking dating guro at malapit na kaibigan dahil isang dating isang guro na naman ang nasa balita ngayon at ang dating paghanga at paggalang na narandaman ko ay napalitan ng pagkadismaya. Ang dating guro na ito ay si Justice Jose Sabio ng Court of Appeals na naging guro ko nuong nag-aaral ako ng abogasya sa Ateneo.
Hinahangaan at ginagalang ko pa rin si Jose Sabio nuong isiniwalat niya ang 'di umano'y katiwalian sa Court of Appeals. Hindi ito natinag kahit matagal na panahon ang nagdaan bago niya isiwalat ito. Hindi nawala ang aking paghanga at paggalang kahit inakusahan siya na siya raw ang mismong humingi ng lagay. Madali ang magparatang, mahirap ang magpatunay.
Nawala ang aking paghanga at paggalang nuong aminin mismo ni Jose Sabio na nilapitan siya ng kanyang nakakatandang kapatid (PCGG Chairman Camilo Sabio) tungkol sa isang kaso nguni't wala siyang nakitang mali dito. Wala naman daw inalok na kapalit ang kanyang kapatid at hindi naman daw siya nagpatinag sa kanyang desisyon. Nakakadismaya. Walang pagkakaiba ang ginawa ng kapatid niya sa paratang niyang ginawa ni Francis de Borja.
Mayroon tawag ang mga abogabo sa ginawa ni Camilo Sabio: ginapang niya ang kaso. Mabigat ang ibig sabihin ng “paggapang.” Kapareho ito kung gagamitin sa ganitong halimbawa: “Ginagapang ng amo ang kanyang katulong gabi-gabi.” Ipinanahiwatig na ang ganitong gawain ay tago, mapanlinlang at mali. Anong mga hayon ba ang gumagapang? Hindi ba mga ahas at buwaya? Mga hayop na binigyan natin ng masamang katangian. Merong pagkakaiba ang taong nanggagapang at ang mga ahas at buwaya. Ang mga ahas ang buwaya ay gumagapang dahil naayon ito sa hugis ng kanilang katawan; likas ito sa kanila. Ang mga ahas at buwaya ay gumagapang ng walang malisya, kundi dahil sa pangangailangan. Ang taong nanggagapang ay may itinatagong kamalian na ayaw niyang makita ng iba.
Kung nakakasuka ang halimbawa, dapat ay ganoon din kung hindi higit pa, ang paningin natin sa ginawa ng magkapatid na Sabio. Hindi lang mga partido sa kaso ang nilapastangan nito kundi ang buong bayan na umaasa sa maayos na pagpapalakad ng hustisiya.
Walang kinalaman ang pag-alok ng kapalit o ang pagsunod sa “mungkahi” sa pagkakaroon ng gapangan. Dalawa lamang ang elemento ng gapangan: 1) May kasong dapat husgahan; 2) May partidong lumapit ng patago para impluwensiyahan ang magiging husga, Kung may kinalaman ang alok ng kapalit o ang pagtatagumpay sa paggapang, ito ay ang pagpapalala. Kagaya rin ng ating halimbawa ng among nanggagapang, hindi nakasalalay ang pagganap ng panggagapang kung nagtagumpay sa panghahalay ang amo. Lumalala lamang ito.
Baka naman may magsasabi riyan na walang naganap na gapangan dahil hindi naman patago ang naging paglapit. Heto nga at buong loob na inilahad ni Jose Sabio ang nangyari. Ano ang masasabi mo sa taong nagsasabing puti ang itim, malabo ang malinaw o tama ang mali para magbago siya ng isip?
Dismayado rin ako sa mga kagaya kong naging dating mag-aaral na tinuruan ni Jose Sabio na kumakaripas na pumirma sa isang petisyon ng pagsuporta sa aming dating guro na ngayon naman ay tikom ang bibig sa mga kabaluktutang inamin mismo ng aming dating guro. Kung may nakita tayong tama, dapat lang na suportahan natin. Kung mayroon tayong nakitang mali, dapat ay ituwid natin.
Kalimutan na natin ang dapat o hindi dapat gawin. Maging makasarili na tayo. Sa susunod na may mangangailangan ng ating suporta, sino pa ang maniniwala sa atin kung lantaran nating kinusinte ang isang kabaluktutan?